Una sa Balita

Yam, Sharon palaban sa mga beauty queen

0 949

abante-i-know-better-jun-nardoBibida si Sharon Cuneta bilang muse ng Magnolia Hotshots sa opening ng bagong season ng PBA sa January 13 na magaganap sa Philippine Arena ayon na rin sa mga report.

Kinuha naman ng Barangay Gineb­ra si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach bilang muse nila.

Babandera naman sina Alyssa Valdez para sa NLEX Warriors habang ang sexy star na si Yam Concepcion ang kinuha ng Phoenix Fuel Masters na muse ng koponan.

Ang Kapuso actress na si Klea Pineda ang kinuhang muse ng Alaska Aces habang ang Filipino swimmer champion na si Jasmine Alkhadi naman ang pambato ng Blackawater Warriors.

Isang Aya Fernandez naman ang kinuha ng Northport Batang Pier habang ang beauty queen na si Kylie Verzosa naman ang muse ng San Miguel Beer.

As of this writing, wala pang napi­ling muse ang team ng TNT Katropa, Meralco Bolts, Rain or Shine Elasto Painters at Columbian Dyip.

Samantala, ang PBA cager turned Kapuso TV host na si Chris Tiu ay nag-announce na ng retirement niya sa PBA.

Barbie, Jak magdi-date sa Japan

Ngayon pa lang ay nagsi-set na ng kani-kanilang mga travel goal ang ilang Kapuso artist.

Gustong bumalik ni Barbie Forteza sa Japan but this time, kasama na niya ang boyfriend na si Jak Roberto.

Ang marating ang Santorini Greece ang plano ng Sahaya lead actress na si Bianca Umali habang ang ka-loveteam niyang si Miguel Tanfelix ay sa South Korea gustong pumunta dahil mahilig siya sa Korean food.

January pa lang at ilang buwan na lang ay summer na! Paandar na naman ang ilang mga celebrity sa pagpapakita ng kanilang summer body!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More