Una sa Balita

Yam pantasyang gawing kabit ng kalalakihan

Karma ipinagbunyi ng mga fan ng ‘Halik’

By
0 1,174

Tuluyan na ngang nahawa sa ‘Halik’ fever ang maraming manonood, at talagang inabangan ang naging tapatan nina Jacky (Yen Santos) at Jade (Yam Concepcion) noong Huwebes (Nobyembre 8) kaya naman nagtala itong muli ng panibagong all-time high na national TV rating, ayon sa datos ng Kantar Media.

Nakakuha ng 29.3% ang programa na tatlong beses na mataas kaysa sa rating ng katapat na programa na may 9.4%. Sa nasabing episode naisakatuparan ni Jacky ang hinahangad ng maraming manonood—ang makapaghiganti kay Jade.

Binuhusan ng tubig ni Jacky si Jade, matapos itong mag-iskandalo sa labas ng sosyal na party kung saan sila dumalo.

Ipinahiwatig din ng mga manonood ang kanilang tuwa at suporta para sa “Halik” at naging number one trending topic ng Twitter sa bansa ang hashtag nitong #SalpukangHalik.

“I love how every week, Halik has something intense ang exciting to offer. Yung tipong hindi mo talaga palalagpasin yung episode nila para bukas at sa susunod pa na bukas. In short, para sa buong isang linggo hanggang sa mga susunod pa,” tweet ni @thatfangirl_rm.

Nag-tweet naman ng suporta para kina Jacky at Lino (Jericho Rosales) si @lexriel24, “ito yung pinaka the best na episode.. yung pagiging palaban ni Jacky @yenxsantos at Lino @jericho_rosales ..”

Mayroon ding mga pumuna sa pagsama ni Ace (Sam Milby) kay Jade sa party, gaya ni @AlexMatoza, “Bihisan mo man ang ahas, lagyan ng kolorete sa mukha, pasuotin ng alahas, yayayain sa mararangyang lugar. Mangangamoy at mangangamoy ang kasangsangan nito! Amanos Jade! #SalpukangHalik.”

Ito rin ang pinakapinapanood na programa sa bagong streaming service ng ABS-CBN na iWant. Mayroon na itong mahigit 3.86 milyong weekly views.

Tumutok sa mga susunod na kaganapan sa “Halik.” Paano babaliktarin nina Jade at Ace ang sitwasyon? Ano ang malaking desisyong gagawin ni Jacky?

Pero nu’ng Biyernes (Nov. 16) nga ay ipinalabas ang episode na kumalat na ang sex video ni Jade, na sabi nga niya ay bi­naboy siya ni Ace. Sa episode na ‘yon, nagmukhang kawawa si Jade, dahil mukhang inagrabyado nga siya. Pero ang mga fan, tuwang-tuwa sa bagong kaganapan sa buhay na ‘yon ni Jade.

Holly Parot: “Karma, you’re doing wel…”

Jennifer Salway: “Hahahahaha! Jade iyan ang karma mo ngayon. Finally lumabas na ang baho mo…”

“Ang tatay ni Ace ang nagpalabas ng video,” sabi naman ni Cent Tavo.

Jayar Jayar: “See? Babae mo rin Ace ang nagbibigay lason sayo. Siya rin ang dahilan kung bakit hindi umunlad si Nilo noon. Lason ka Jade!”
Geraldine Rizaba: “Palakpak para sa daddy ni Ace!”

“Ito yung palabas na aabangan mo bawat episode. Gabi-gabi may pasa­bog. Maganda dahil hindi laging ang kabet ang panalo. Sakto lang para maadik kami dito sa Kuwait kakanood,” sabi naman ni Brejeth13.

Anyway, marami man ang nabubuwisit kay Yam/Jade sa “Halik” pero sa tunay na buhay naman, pantasya ­talaga siya ng kalalakihan.

Sa Instagram post nga niya na naka-2 piece red bikini siya, humamig talaga ito ng sangkatutak na papuri sa mga netizen.

At kahit ang mga kapwa niya artista na tulad nina Alessandra de Rossi, Hero Angeles, Albie Casiño, Kitkat, Say Alonzo, puring-puri ang kaseksihan ni Yam, ha!

So, pantasya nga ng maraming kalalakihan na ma­ging kabet si Yam, ha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy