Una sa Balita

Yam nandiri sa sex movie

0 730

‘Hindi ako interesado’ ang sagot ni Yam ­Concepcion sa tanong kung may balak ba siyang gumawa ng bold movie.

Sa presscon ng Nightshift, na dinirek ni Yam ­Laranas, pakiramdam kasi ng ibang manunulat, ­parang title ng isang bold movie raw ang dating nito.

Pero, maling-mali nga, dahil horror ito, at sa poster pa lang ng movie, makikita na agad si Yam na nasa harap ng isang patay.

Eh, suggestion nga ng isang manunulat, na baka puwedeng masundan ang Nightshift movie na ito, na ang tema naman ay sex, o tipong walang ­patumangga sa kangkangan sa gabi, ang tema.

Pero ‘yun na nga, sabi ni Yam, hindi na siya ­interesado na gumawa ng bold movie, o maghubad ulit sa pelikula.

“Nagawa ko na ‘yan noon. Diyan ang ­nagsimula. So, hindi na ako babalik diyan,” sabi ulit ni Yam.

Oo nga naman, hindi naman itinatanggi, o ­ikinakahiya ni Yam, na naging stepping stone ­talaga niya ang pagbibilad ng katawan sa harap ng kamera. Na ang iba nga ay pilit na ipinamumukha ulit sa kanya ang pinanggalingan niya, na may mga netizen pa na ini-screen grabbed ang mga eksena sa movie na ‘yon, at tinu-tweet at tina-tag pa siya.

Pero again, hinding-hindi na babalik sa pagbu-bold si Yam. Sa mga nagpapantasya sa kanya, hanapin niyo na lang ulit ang movie na ‘yon.

Mga fan ng ABS-CBN magdaraos ng prayer rally sa Jan. 20

May mga loyal na grupo na nga ng mga ­Kapamilya fan ang kumikilos para ­ipagsigawan ang kanilang ­taus-pusong pagmamahal at suporta para sa ABS-CBN sa ­pamamagitan ng isang prayer rally.

Kumakalat nga sa Facebook ang plano nila, o gaganapin na Kapamilya Prayer Rally sa Enero 20 (Lunes), 2:00 pm, sa Liwasang Aurora, Quezon Memorial Circle at imbitado ang publiko para makiisa.

Mukhang magiging malaki ang pagtitipon dahil magsasanib-pwersa ang ilang online Facebook fan groups na mataas ang membership.

Ayon kay Jeffrey Paaño Lumabi na isa sa mga nag-post sa Facebook, layunin ng Kapamilya Prayer Rally na “magpakita ng pagsuporta at pagmamahal sa ating Kapamilya Network –ABS-CBN sa gitna ng pagsubok na kinakaharap ngayon ng istasyon.”

Na­pa­ka-sincere at respectful naman ng ginagawang gesture ng loyal Kapamilya fans para ipaalam kay Pangulong Duterte kung gaano kahalaga ang papel ng ABS-CBN sa lipunan. To think, pwede naman silang ­mag-ingay at mag-martsa sa Mendiola, pero pinili nilang ipahayag ang kanilang saloobin sa mapayapang paraan.

Marami na ring personalidad ang umaapela kay Pangulong Duterte na isipin ang magiging masamang epekto kung tuluyang hindi ma-renew ang franchise ng ABS-CBN. Kabilang na rito sina Sharon Cuneta, Liza Soberano, Enrique Gil, at Angeline Quinto. Makikita kaya natin sila sa rally?

Anyway, dasal ng maraming pamil­ya na maging mapayapa at ligtas ang gagawing Kapamilya Prayer Rally at magbunga ang kanilang gagawing pagkatok sa puso ng Pangulo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More