Una sa Balita

Yam nagka-award sa pagiging kabit

0 400

abante-paistaran-dondon-serminoPatuloy pa rin ang pamamayagpag ng “Halik” gabi-gabi kaya naman kabilang ito sa mga top 5 show sa bansa noong Nobyembre, ayon sa datos ng Kantar Media. Isa sa mga dahilan kung bakit sobrang patok ang show ay dahil very relatable ito sa maraming tao.

Malungkot na isiping maraming Pinoy na ang naloko at nanloko pero dahil nga sa “Halik,” marami tayong natututunan bilang manonoood tungkol sa buhay mag-asawa at ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa pamilya at pag-ibig.

Dahil gabi-gabing tinututukan ng mga fan na nilalabas ang kanilang mga saloobin sa social media, nagwagi nga si Yam Concepcion bilang ang Most Trending Actress sa 2018 ng Philippine Social Media Awards.

Marami ang nanggagalaiti sa karakter ni Yam na si Jade lalo na noong Miyerkoles 

(Disyembre 5), kung saan panggigigil ang reaksyon ng mga netizen sa Twitter kaya nag-trend ang hashtag ng episode. Pinagpipilitan kasi ni Jade (Yam) na maaaring si Lino (Jericho Rosales) ang ama ng kanyang dinadalang bata.

Ayon sa Twitter user na si @mereeeeh, “Wala nang kasing kapal ang pagmumukha ni Jade. Jusko!!!! Nakakagigil ka teh. #TinanggihangHalik.”

Ang pagiging user naman ni Jade ang pinuntirya ni @heysanneday at sinabing, “Wondering if Jade will still beg like this kung hindi naging ganto ka successful si Lino? #TinanggihangHalik.”

Pero sabi rin ni @andyismo, “Kapal ng mukha. For once, agree ako kay Sissy Marissa na kaya namang buhayin yan ni Jade nang mag-isa. Bakit ipapaako sa taong niloko niya. Tapos kung inako ni Ace, tuloy ang ligaya? Triggered ako. Daming time.”

Papatol kaya si Lino sa sinasabi ni Jade na siya ang ama ng anak nito? Naku, dapat lang tutukan ang mga umiinit pang kaganapan sa “Halik!”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy