Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Yam minulto, namaga mukha, humaba daliri

0 187

Nakakatakot pala ang naging experience ni Yam Concepcion sa taping ng serye nila ni Gerald Anderson at JM de Guzman na “Init Sa Magdamag” dahil ilang beses daw siyang minulto sa set.

Chika ni Yam sa online show ng ABS-CBN na “We Rise Together” sa YouTube, unang linggo pa lang nila sa set ay may kakaiba na siyang naranasan, tulad na lang daw ng biglang paghaba ng kanyang mga daliri.

“Nung first week namin nag-taping, nabati ako sa taping. Nagulat ako kasi humaba ‘yung mga daliri ko. Sabi ko, ‘Oh my god! Coach, ako lang ba o mahaba talaga ‘yung kamay ko, ‘yung mga daliri ko?’ Sabi ni coach, ‘Oo nga ma’am kaya ako naiilang na tumingin sa ‘yo,” kwento ni Yam habang kinikilabutan.

Nabigla si Yam dahil ang boxing coach pala niya ang unang nakapansin na kakaiba ang itsura ng kanyang mga daliri pero nahiya lang itong banggitin sa kanya.

Kuwento rin ni Yam, may isang araw rin na napansin ng staff at co-stars niya na tila distorted ang mukha niya at parang lumulubog. Inisip nila na baka pagod lang ang aktres kaya pinagpahinga muna nila pero ramdam daw talaga nila na may mga masasamang espiritu sa set.

“Oh my God! Sabi ni Ms. Sacky, ‘Ay Yam bakit ganun ‘yung mata mo?’ Parang distorted daw. Distorted ‘yung face ko! So sabi nila ‘Sige, teka, pahingain muna natin, ano ba pwede nating gawin? Bakit ba laging maga ‘yung mata mo?’ OMG nakakatakot!,” sey pa ni Yam.

Sunod-sunod ang mga kababalaghan na nangyari sa set ng serye at pati ang co-stars ni Yam ay minulto din pala. Kinailangan nilang magpa-usok sa location ng kanilang shooting para gumaan ang pakiramdam ng lahat.

Anyway, tinututukan na ng fans ang finale week ng hit seryeng “Init Sa Magdamag” at kung ano ang magiging ending sa relasyon nina Rita, Peterson, at Tupe na ginagampanan nina Yam, JM, at Gerald. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.