Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Yam magdamag na pinainit sina Gerald, JM

0 294

Ang mga bagong teleseryeng “Init sa Magdamag” at “Huwag Kang Mangamba” ang pinakabagong handog ng ABS-CBN sa patuloy nitong pagbibigay ng saya at inspirasyon sa mga Pilipino sa iba’t ibang platforms sa telebisyon at online.

Bida sa “Init sa Magdamag” sina Gerald Anderson, JM de Guzman, at Yam Concepcion.

Ang bongga lang na titulo pa lang, alam mong mainit na agad ang pagsasaluhan ng tatlong bida. Alam mong puno ng kaseksihan, romansa ang eksena ng tatlo, ha! Ang sarap isipin na magdamag pinainit ni Yam sina Gerald at JM, di ba?

Pero, kanino kaya mas enjoy si Yam kina Gerald at JM? Yan ang dapat tutukan.

Samantala, isa naman ang “Huwag Kang Mangamba” sa marami pang ihahandang sorpresa ng The Gold Squad nina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Seth Fedelin, at Kyle Echarri.

Mapapanood ang mga ito sa iba’t ibang platforms gaya ng cable at satellite sa Kapamilya Channel, sa free at digital TV sa A2Z channel, Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, sa iWantTFC streaming service, at sa iba’t ibang bansa sa The Filipino Channel.

Dahil available sa mas maraming platforms, makakapili ang mga manonood kung saan at kailan nila mapapanood ang pinakahuling episodes ng mga teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Ang Sa Iyo Ay Akin,” “Walang Hanggang Paalam,” at “Bagong Umaga,” at “Paano Kita Mapasasalamatan,” “Iba ‘Yan,” at “I Can See Your Voice.”

Live ring nakakasama ng mga Pilipino sa kani-kanilang mga tahanan ang “Magandang Buhay,” “It’s Showtime,” at “ASAP Natin ‘To.” (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.