Una sa Balita

Yam hindi kayang kabugin si Cherie Gil

By
0 743

Nakakatuwa naman yung video kung saan si Yam Concepcion ay nagpakita ng iba’t ibang mukha ng isang kontrabida. Sikat ngayon si Yam dahil sa kanyang kabit role sa teleseryeng Halik ng ABS-CBN na para sa iba ay isa ring kontrabida-bida role pero nagiging household name na siya dahil dito.

Sa video ay ginaya niya ang classic line ni Cherie Gil sa pelikulang ‘Bituing Walang Ningning’ pero siyempre, iba pa rin ang punch ng pagkakabitaw ni Cherie na syalang-syala ang dating.

Ipinakita rin niya ang kontrabida look, ang pagtaas ng isang kilay, ang tingin ng isang nangu­ngutya atNang pagsampal ng isang nang-aapi.

Wala namang gustong patuna­yan si Yam sa video na ito dahil ginawa lang naman niya ang pinagawa sa kanya, pero, marami nga ang nakakapansin na lalo siyang gumagaling ngayon.

Well…

Gabbi Kapamilya na sa 2019?

Muling itinanggi ni Gabbi Garcia na lilipat siya sa Dos matapos mag-tweet ang isang netizen tungkol dito. May nagsabi pa nga na sana ay hindi na siya isinama sa Station ID ng GMA dahil meron nga raw itong planong magtawid-bakod.

Pangalawang tsika na ito kay Gabbi dahil nu’ng March this year ay kumalat din ang tsismis na may ganoon ngang ganap ay itinanggi rin niya ito.

Ang latest tsika ay dahil nga sa blind item na ayon sa netizens ay tukoy na si Gabbi ulit ito.

Pero yun nga, pinabulaanan kaagad ito ng Kapuso actress saying na hindi ito totoo at siya ay mananatiling taga-Kapuso network.

Well, hindi naman na bago ang mga lipatang ito. Aba, eh, kung sa feeling nila ay mas mabibigyan siya ng mas magandang opportunities sa lilipatan nila, eh., di go ahead, as long as aalis sila ng maayos ang lahat, devah?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy