Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Yam Concepcion pinag-iingat kay Ramsay

0 418

Dahil lang sa comment na ‘chillax’ ni Derek Ramsay sa photo ni Yam Concepcion, na nasa veranda siya ng isang resort/hotel sa Boracay, na suot ang 2 piece black bikini, kung saan-saan na umabot ang reaksiyon ng mga netizen.

Sinagot nga ni Yam si Derek na ‘to the max’, kagulat-gulat nga ang kasunod na mensahe ng mga fan.

“Wag kang bastos!” sabi ng isang fan kay Derek.

“Nakupooooo!” reaksiyon ng isa na may ibig ngang ipahiwatig.

“Wag mo nang tangkain!” saad pa ng isang girl na fan.

“Naku, nakahanap ka na naman ng haharutin!” say pa rin ng isa.

“Masaya si Yam sa lovelife niya, kaya wag mong sirain!” pahayag ng isa.

Well, binalaan nga agad-agad si Yam ng mga netizen na huwag papabola kay Derek, ha! Na kesyo mag-ingat nga raw ito sa pagbati-bati ni Derek. Na nakakaloka, dahil ‘chillax’ lang naman ang reaksiyon ni Derek.

Well, si Derek nga lang ang nasita ng mga netizen/fan, gayung marami rin namang taga-showbiz na lalake ang bumati kay Yam, ha!

At sa IG ni Derek, si Ellen Adarna pa rin naman ang laman, kaya walang dapat ipag-alala ang mga fan ni Yam. Kaloka! (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.