Una sa Balita

Yam Concepcion hindi ikinahihiya ang paghuhubad

By
0 1,431

Malayo na ang narating ng career ni Yam Concepcion dahil sa latest project niyang ‘Halik’, ang heartthrob na si Jericho Rosales lang naman ang leading man at gumaganap niyang asawa rito.

Pero bago pa man lumabas sa iba’t ibang teleserye kagaya ng ‘Dugong Buhay’ at maging ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, unang nasilayan ang ganda at ka-sexyhan ni Yam sa ‘Rigodon’ na idinirek ni Erik Matti noong 2012.

Sa guesting ni Yam sa ‘Magandang Buhay’ noong Lunes (Agosto 13), ikinuwento ng kanyang inang si Lilybell na isang taon daw pinag-isipan ni Yam kung tatanggapin ang sexy role.

“She trusted her management na ‘yun ang launching movie niya. I let her decide pagdating doon,” sagot ni Lilybell nang tinanong kung paano siya napapayag ni Yam na maging bahagi ng pelikula.

Pagbabahagi naman ni Yam, “Hindi ko naman siya kinakahiya. I’ll always remember that time in my life kasi it opened doors for me also.”

Magmula nga nang mailabas ang pelikula, hindi nabakante si Yam sa pagteteleserye dahil sa sunod na taon, bumida siya sa ‘Dugong Buhay’ kung saan nakasama niya sina Ejay Falcon at Arjo Atayde. Sumunod naman dito ang Pinoy version ng Koreanovelang ‘Pure Love’, ‘Two Wives’, ‘All of Me’, ‘Langit Lupa’, at maging ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.

“Tuloy-tuloy ang projects, very blessed din. ‘Di mo naman alam kung anong mangayari sa ‘yo ‘di ba. It’s a risk, ang ganung klaseng projects. Make or break,” sabi ni Yam.

Naging worth it naman ang pagpapa-sexy ni Yam sa launching movie dahil ngayon ay bibida na siya sa tinaguriang pinakamapusok na drama ngayong taon.