Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Yakapan, titigan sa ASAP: Julia super kilig sa lambing ni Coco

0 223

Grabe ang kilig na naramdaman ng mga fan sa ASAP dahil sa lambingan, titigan, yakapan, nina Coco Martin at Julia Montes ha!

Well, bahagi nga ng ASAP ang buong cast ng ‘Ang Probinsyano’ bilang selebrasyon ng anim na taon nila sa telebisyon. At siyempre, ang pag-welcome nila kay Sharon Cuneta bilang bagong kasama.

Pero, iba rin ang kilig na pinaramdam ng mga fan noong kumanta sina Coco at Julia. Para nga silang mga bagong kasal, na binigyan ng tribute dahil sa tamis ng titigan, ngitian nilang dalawa.

Sabi nga ng mga fan nila, nakangiti lang sila habang pinanonood ang dalawa, na huli raw nilang naramdaman ito noong nagsama rin ang dalawa sa isang show, ilang taon na ang nakalipas. Sobra at matindi raw ang impact nina Coco at Julia sa buhay nila.

Hirit pa ng iba, so much love in the air, kapag magkasama ang dalawa.

At yes, iba raw ang halakhak ni Julia, kapag kaharap si Coco, at ganun din si Coco, na abot tenga ang smile kapag kaharap si Julia.

Well… (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.