Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Yakap’

0 594

Sa mga pribadong kompanya at sa mga sangay ng gobyerno, bago pa man makagawa ng maayos na desisyon, ay kailanganang pagsasama-sama ng “non-yes men”.

‘Di maaaring ‘di maghalo-halo ang iba’t ibang personalidad namay kanya-kanyang magkakasalungat na opinyon.

Sila ang sinasabing kontrapelo at “devil’s advocate”.

Kontrabida ang dating ngunit ang nasa isip pala ay paramakatulong sa pagpapanday ng isang polisiya o estratehiya.

Kung sa personal or family matters, sila naman ang honest friend at confidante.

Kung ang isang kaibigan daw ay puro magagandang bagaylamang ang sinasabi o walang pagpuna sa ating mga malinggawi, s’ya ay ‘di daw tunay na maaasahan.

Daig pa daw nito ang isang matinding kaaway na nais kangmagkamali, mapahiya o makagawa ng mga bagay na iyongikasasama.

Non-sense kung puro “yes sir” ang nasa command center o war room.

Ito ay kadalasang nagreresulta sa mahina o tila ‘di pinag-isipangpagpapasya.

Ang desisyon ng isang korporasyon o tanggapan ng pamahalaanay ‘di binubuo para lamang makuha ang loob ng isang tao lalona ng pinuno.

Nakalulungkot dahil sa mga nakalipas na araw ay nangibabawsa ating bansa ang personalan at ‘di trabaho lang.

Binigyan ang bawat isa ng kapangyarihan na may kaakibat nakalayaan at pananagutan sa paggamit nito.

Ano man ang pinili nilang landas ay sumasalamin ito sa tunayna katayuan ng bayan.

Naniniwala ako na sa huli, kung may nagkamali samagkabilang-panig ay may tamang forum sa tumpak napagkakataon kung saan sila dapat multuhin at panagutin.

‘Yan ang ginagarantiya ng mga umiiral na batas at patakarankung ito ay masusunod lamang.

Dahil ang katarungan ay nakakamit rin sa hinaba-haba man ngpanahong lumipas.

Ang paghuhukom ay isang araw na ‘di inaasahan.

Ngunit bakit nga kaya naging taliwas sa gusto ng madla angnaging desisyon na ito?

Sa decision-making, kailangan ang matitinik na pananaw at pagpansin sa mga detalye.

Ginagamit ito ng bawat negosyante o opisyal na nakakakita o nakakarinig ng mga panukala o alternative courses of action.

Brainstorming o “battle of the brains” ang karaniwang tawagdito.

Kung sino man ang nagpanukala at “binaril” ang kanyang ideyaay dapat maging bukas ang isip na tanggapin ang puna o tanongng kapwa miyembro.

At kung makagawa na ng desisyon batay sa mga pag-uusap ay nagkakaroon na ng united front at ang lahat ay sumusuporta nasa naging final version.

Wala nang magpapa-pogi at sabay-sabay na susulong.

Hanap ng mga nasa people management at human resources ngayon ang complex problem solvers, critical at creative thinkers pero team player, may coordination at negotiation skills, at mataas ang emotional intelligence.

Yan din ang mga leadership competencies na kailangan sapanahon ngayon.

Ang mga lider ng kasalukuyan ay nagpapractice ng people-first leadership.

Matindi kung mag-isip pero may malambot na puso.

Kahit pa ang fourth industrial revolution (FIRE) ay tumatalakaysa data science, artificial intelligence, augmented reality, at machine learning, mga paraan na tumutulong sa isang leader o manager na makapagdesisyon nang tama, wala pa rin kapalit angpaggamit ng balanse ng isip at puso sa pangunguna o pamamahala.

Lalo pa ngayong parang hilong-talilong ang mga may-ari o pinuno ng mga industriya at public sector dulot ng mgapagbabago sa buhay, pangangalakal, polisiya ng mga tao at ngbansa.

Ang target ng change management ay tao o human resources.

Mas mahirap ito kaysa sa iba pang resources at aspetongteknikal na nakapaloob sa project management.

Dalawa ang klase ng change.

Proactive change and reactive change.

Related Posts

‘Realidad’

Duyan

Alin ba sa mga ito ng madalas natin makaharap?

Proactive change kung tayo ay nag-iisip o nagpaplano ukol sahinaharap.

Halimbawa nito ang #lifegoals setting, #visioning, at #strategic directions o long-term plans.

Reactive change naman ay ang dulot ng mga pagbabago.

Halimbawa nito ang epekto ng coronavirus pandemic, global warming o climate change.

Sa aking palagay ay mas nararanasan natin ang reactive changesa pang-araw araw na buhay bagamat ang proactive change angakma sa mga hamon ng krisis.

Halimbawa, sa pribadong kompanya, ang competition para samarket share sa produkto at serbisyo.

Sa mga nasa pamamahalang pambansa naman, ang malawakangepekto sa ekonomiya at sa buhay ng mga tao.

Yan ang mga extra-challenge na nangangailangan ng proactive change strategies.

Paano ba gagawa ng vision for change?

Ang pinakamahirap dito ay ang transition at journey o paglalakbay.

Kailangan maging visual at maipahayag nang maayos angpagbabago na nais.

Komunikasyon ang sikreto rito tulad ng dramatic demonstration.

Hinihingi ng bahaging ito na maniwala ang tao.

Lahat ng pamamaraan upang makumbinse sila ay dapat gawin.

Karaniwan na ang resulta ng pagpapakilala sa pagbabago angiba’t ibang reaksyon ng mga tao.

May 30% ang agad na naniniwala, 30% ang iniintindi pa angnarinig, 20% ang naguguluhan, 10% ang nagdududa pero di naman tumataliwas, at may 10% na ang tingin ay suntok sabuwan ang panukalang pagbabago.

Ang small successes at short term wins ay dapat magbigay ngenerhiya sa tao para magpatuloy na tanggapin ang vision at maging bahagi ng pagbabago.

Sa paulit-ulit na small wins ay nakabubuo ng confidence paramagpatuloy at maniwala sa pagbabago at maging katotohananito.

Habang ipinakikita ang mga mumunting solusyon ay dapatipamalas ang #big opportunity.

Kung sinusubok na tayo ng mundo ng vulnerability, uncertainty, complexity at ambiguity (VUCA) ay kailangan na unahan natinito at maging always a step ahead of the curve.

Kailangan na pabilisin ang pagsalida para sa pagbabago sa mganegosyo at paghahatid ng serbisyo-publiko.

‘Di na uso ang tradisyonal na bahagdan ng kapangyarihan (top down at bottom up) bilang paraan ng leadership at management.

Nangingibabaw na sa ngayon ang sistema na “network” kung saan mas maraming sektor ng mamamayan o lipunan angnakikisangkot sa pagdedesisyon.

Cycle at ‘di isang linya lamang ang kailangang framework.

Ito ay paulit-ulit at paikot-ikot hanggang sa makuha ang tamangtimpla at makapagdulot ng inaasam na pagbabago.

Ang pagiging flexible at agile ay ang puhunan para mapabilisang proseso.

Ito ang nagbibigay ng stability sa panloob at panlabas nakapaligiran ng isang negosyo o ahensya.

Bagamat ipinagdiriwang ang pagkasungkit sa low hanging fruits, ang pinakadulo ng change management ay ang pagbabagong nakagawian sa nakaraan na maaaring ‘di na angkop sakasalukuyan at sa hinaharap.

Ang kultura ng isang komunidad o bansa ang nagbibigay ngcompetitive edge at sustainability na iba sa karamihan o karatig-bansa.

Ang magandang kultura ay pilit na ginagaya pero ‘di ganunkadaling makopya.

Mahalaga ang good character at right behavior na ang produktoay matibay na kalinangan at kultura ng kompanya o opisina, pribado man o pampubliko.

Sa sarili at pamilya ay ganito rin ang pagyakap at pagpapatupadsa pagbabago.

Simulan na natin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.