Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Yag laser makalipas ang cataract operation

0 128

Nanlalabo at hindi na makakitang mabuti sa gabi, nagiging sensitibo sa ilaw, namumutla o naninilaw ang mga kulay at nagdodoble ang tingin sa isang mata. Ito ang kadalasang sintomas ng katarata.

Kadasang pag-edad ang dahilan ng katarata. Pero puwede ring bunga ito ng injury o may tumama sa mata, steroids o sakit na diabetes.

Ang lente ng mata, habang nagkakaedad, ay kumukunat at kumakapal. Dahil dito, ang mga tissues ay nagkukumpol-kumpol at nagpapalabo sa paningin.

Walang pamatak sa mata na makakatunaw sa pagkukumpol ng mga tissues sa lente ng mata o makakapigil sa pagkunat nito, ayon kay Dr. Noel Lacsamana isang ophthalmologist surgeon. Kaya surgery lang talaga ang katapat nito.

Mabilis lang naman ang cataract surgery at walang mararamdaman ang pasyente. Tinatanggal ang orihinal na lente ng mata at pinapalitan nt plastic lens sa isang lens membrane na tinatawag na bag o capsule. Maaari na siyang makabalik din agad sa trabaho.

Pero may pagkakataon, sa iilang pasyente, na kumakapal ang capsule makalipas ang operasyon at nanlalabo muli ang mata ng naoperahan sa katarata. Hindi kasi nakakarating ang ilaw sa likod ng mata.

May solusyon naman dito, at ito ang tinatawag na yag laser capsulotomy.

Sa International Eye Center sa Robinsons Star Mills, San Fernando, Pampanga (text: 0920.909.9937) isinasagawa ni Dr. Lacsamana ang operasyon. Mabilis lang dahil nandoon ang lahat ng equipment – mula sa pagsilip sa mata hanggang sa laser.

Ginagamit ang yag laser capsulotomy para butasan ang bag o capsule na naging malabo, upang makapasok muli ang ilaw sa likod ng mata at makakita ng mabuti ang pasyente.

Pinapatakan muna ng pang-dilate o pampalaki ng pupil ng mata ang pasyente para makita ng husto ng doktor ang kanyang ooperahan. Nilalagyan din ng anaesthetic eye drops ang mata para hindi maramdaman ang laser.

Nakaupo lang sa harap ng laser machine ang pasyente. Lalagyan ng special mirrored lens ang mata para makita ng mabuti ang membrane at maidirekta ang laser sa bubutasang kapsula.

Kadalasan ay 20 minuto inaabot ang laser surgery, pero kay Dr. Lacsamana, inaabot lang ito ng halos apat na minuto. Makalipas din ang ilang minuto ay makakakita na muli ng malinaw ang pasyente.

Magpapatak lang ng anti-inflammatory eye drops sa loob ng apat na araw makaraan ang operasyon. Pero hindi na kailangang ulitin ang operasyon maliban lamang kung hindi ganoon kalaki ang butas na nalikha ng laser o nagkaroon ng pananakit o anumang pagbabago sa mata ng pasyente.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.