Una sa Balita

XOXO pang-global ang husay, appeal

0 312

Masuwerte ang apat na ­naging contestants ng The Clash last year. Aba, kahit na hindi nanalo ang apat sa ­naturang singing contest ng ­GMA-7, mukhang kung ang pagbabasehan ay ang pinakita nilang ­galing sa press launch pa lang ay posibleng mas may future at malayo pa ang mararating ng apat.

Sina Riel, Dani, Lyra at Mel ang mga bagong all-female quartet o girl group ng GMA Artist Center na XOXO. Napabilib nila ang press nu’ng press launch pa lang. Hindi lang nila ­ipinamalas ang husay nila sa pagkanta, sing and dance pa talaga ang drama nila.

Sabi nga namin sa kanila, wala kaming expec­tation bago namin sila makilala, pero nang mapanood na namin sila, gayundin ang halos lahat ng media, iisa halos ang comment, “may future!”

Naalala namin sa kanila ang Korean girl group na may mga naka-guide tulad sa XOXO, may bihasa­ sa singing, ­arranging songs tulad ni Vince de Jesus­ at may choreo­grapher rin at siyempre­ stylist na nakatutok­.

Puwedeng maging pang-global ang talent ng XOXO at sana nga, naka-jackpot na ang GMAAC sa grupo dahil mukhang nagma-match silang apat.

Sa apat, si Riel ang binan­sagang “The Diva.” Si Dani naman ang “Fierce and Sexy,” “Tough Girl” naman­ si Lyra at “Sweet Girl” si Mel. (Rose Garcia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy