Una sa Balita

Xian tumangging magpasilip ng puwet

0 4,217

Dalawang Filipino movies na magkaiba ang genre ang magkasabay na magbubukas ngayon, ang My Fairy Tail Love Story ng Regal Entertainment Inc. at ang Sin Island ng Star Cinema. Mga bida sa Sin Island sina Xian Lim, Coleen Garcia at Nathalie Hart.

Isang adult movie na maraming sizzling scenes ang Sin Island pero itinanggi ni Xian na may butt exposure siya sa bagong pelikula ng direktor na si Gino Santos.

Matagal nang magkaibigan sina Gino at Coleen dahil mga bata pa lang, magkakilala na sila. In fact, fourth movie team up na nina Gino at Coleen ang Sin Island.

Unang nagkasama ang dalawa sa #Y noong 2014, sinundan ito ng Ex with Benefits (2015) at Love Me Tomorrow (2016).

Sa dalas ng pagsasama nila sa mga pelikula bilang direktor at artista, puwede nang bumuo ng ‘GinoCol loveteam’ o tandem sina Gino at Coleen dahil komportable na sila sa isa’t isa.

Kiko excited nang maging lover ni Sunshine Cruz

Isang feel good movi­e ang My Fairy Tail Love Story na comparable sa mga Disney movie na nagbibigay ng positive vibes sa mo­viegoers. Perfect for Valentine’s Day ang Elmo-Janella starrer dahil tungkol sa true love ang kuwento ng pelikula at kung napili ito na official entry sa Metro Manila Film Festival noong nakaraang taon, malaki ang tsansa na isa sa mga pipilahan ng manonood sa box office ang My Fairy Tail Love Story. Malakas ang last song syndrome ng Be My Fairytale, ang theme song ng pelikula na inawit nina Janella, Elmo at Kiko Estrada.

Hindi pinabulaanan ni Kiko na ibang boses ang ginamit sa pagkanta nito ng Be My Fairytale sa isang eksena ng pelikula pero sariling boses niya ang maririnig sa ferris wheel scene nila ni Janella.

Ang singing voice ng singer at television/stage actor na si Fred Lo ang ipinagamit kay Kiko, ayon sa My Fairy Tail director na si Perci Intalan na natawa sa maling akala na singing voice ng kanyang partner na si Jun Lana ang ginamit ni Kiko sa pagkanta.

Perfect choice si Fred dahil natural na maganda at pang-animation movie ang timbre ng boses niya.

“Kapag hindi kumanta ang karakter ko, the scene won’t work,” ang sabi ni Kiko na dumaan muna sa audition bago nakuha ang role bilang love interest ng karakter ni Janella.

“Direk Jun (Lana, original director of the movie) wanted me to audition a few times already pero laging nagkakasalisi sa schedule ko.

“Then one day, he called me again. I remember, I was watching a Korean telenovela much so I guess that was my inspiration for this role,” ang kuwento ni Kiko na magiging mapangahas sa next movie project niya, ang My Stepmother’s Lover.

Si Kiko ang gaganap na lover ni Sunshine Cruz at stepson nito si Martin del Rosario. Pinabulaanan ni Kiko na love triangle ang kuwento ng My Stepmother’s Lover pero maraming twist na hindi niya puwedeng i-reveal.