Una sa Balita

Xian tameme sa hamong pakasalan si Kim

0 278

Nag-celebrate ng 30th birthday si Xian Lim last Friday, at bago natapos ang araw na ‘yon ay isang matamis na short video clip ang ipinasilip ng girlfriend niya na si Kim Chiu.

Maraming kinilig at unang nakasuporta nga sa kanilang relasyon ay ang Queen of All Social Media na si Kris Aquino na hindi pinalagpas ang post ni Kim, at nag-comment ito ng “ADORABLE”.

Nag-reply naman agad si Kim na nag-congratulate kay Kris dahil opisyal na inanunsyo na magbabalik ito sa big screen dahil pasok nga sa MMFF ang pelikula nila ni Derek Ramsay, ang “(K)Ampon.”

May mga fan din na nag-comment agad na “Please get married!” Hinamon nga nila si Xian na pakasalan na si Kim next year. Pero tila tameme lang si Xian at hindi nag-reply sa kahit sino.

Ayon sa bilang ng mga fan, sa tingin nila ay 7 years na ang pag-iibigan ng dalawa at labis nga silang nagpapasalamat dito dahil bago umano dumating ang mga love team na KathNiel, JaDine at LizQuen ay unang nagpatibok ng puso nila ang tambalang KimXi. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy