Una sa Balita

Xian pinasilip si ‘Jun Jun’ sa ‘Magandang Buhay’

0 6,394

Grabe talaga itong si Xian Lim, sobrang daming alam gawin.

Aba, bukod sa pagiging basketbolista, pag-aartista, pagdidirek, pagsulat ng kuwento, at pagpapakilig sa dyowang si Kim Chiu, may bago na naman siyang ipinasilip na galing, ha!

Kahapon nga ay ipinakita ni Xian ang isa pa niyang talent, ang maging ventriloquist.

Anyway, ang ventriloquism ay act of stagecraft, na kung saan ang tao (ventriloquist) ay gumagamit ng ibang boses, gamit ang isang puppet na prop. Pinalalabas nga niya na ang puppet ang nagsasalita at hindi siya.

Hindi mo nga mapapansin na siya ang nagsasalita, dahil ­halos hindi bumubuka ang kanyang bibig.

At isa nga ‘yon sa talent na ipinakita ni Xian ­kahapon sa “Magandang Buhay” ng ABS-CBN, ha!

“Brought Jun Jun to Magandang buhay. Hope you guys enjoyed his TV guesting! Huge shout out to my friends from the International Ventriloquist Society- Philippines!” sabi ni Xian.

Siyempre, puring-puri ng mga fan ang husay ni Xian, lalo na ang alaga niyang si Jun Jun.

Sabi nga ni floriankimxian: “Nice to see you with Jun Jun on Magandang Buhay, love the color if your polo shirt, you looked so fresh and handsome.”

glomonton9070: “Very entertaining to watch Jun Jun. Glad you showed another unlimited talent. God Bless @xianlimm and more blessings and opportunities.”

Si Xian nga ay bida sa pelikulang “UnTrue”, kasama si Cristine Reyes. Mapapanood din siya sa “Love Thy Woman” teleserye with Kim.

Yassi binuhay ang ama sa pet dog

Ramdam pa rin ang pagluluksa ni Yassi Pressman. At ­tulad ng maraming malulungkot na tao, ang pag-­aalaga ng hayop ang ginagamit na paraan para mawala ang kalungkutan.

At si Yassi nga, para maibsan kahit papaano ang lungkot sa pagpanaw ng kanyang ama, ang pag-aalaga ng bagong pet dog ang ­naisip niyang gawin.
“Before I continue to post memories of my biggest love, and the new song I have about loss…here’s a cute pic of the newest angel that will bring life to the house.

“Named him after my dad’s initials, IG world, let me introduce to you ~ ROLEE ‘The Daddy’ BULLY the newest addition to @ThePressmanZoo. from @rocksolidstyle_bullies #RoleeTheDaddyBully #AmericanBully #LilacBully.”
Teka lang, pareho talaga sila ng hilig ni Coco Martin, ang mag-alaga ng mga hayop. Makikita nga sa Instagram ni Cardo Dalisay ang mga ibon, mga aso, na inaalagaan niya sa mismong bahay niya.

Well, dahil siguro sa halos araw-araw silang magkasama sa ­taping ng “Ang Probinsyano”, kaya pati sa mga hilig gawin ay nagkakaisa na sila.

Coco sinita dahil sa alagang aso

Speaking of Coco, at aso, may mga netizen na hindi nagustuhan ang video na pinost ng bida sa “Ang Probinsyano” tungkol sa isang matabang aso na tila hingal at pagod na sa kakalakad, takbo.

Sabi ni xyyyzzzytgh: “@mr.cocomartin. I don’t find this video cute.

Kailangan ma­ging sensitive tayo sa needs ng pets natin…this poor Tupac is gas­ping for air, breathing heavily and you can see na pagod at uhaw pati yung kalsada iniinom… kung gusto magka-pet kailangan maging responsible…and alam nila kung ano ang pwede sa klase ng breed ng pet.

Having a pet is a big responsibility…and seriously, kailangan ng common sense…or else…kawawa sila.”

amberzolina: “Idol parang need na ata ng diet ng dog nyo sobrang taba nya. Kawawa naman baka ma heart attack sya.. ­mode­rate lng ang exercise nya..so cute pa naman.”
Well…

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More