Una sa Balita

Xian pinaghandaan ang tikiman kay Louise

Sey mo Kim?

By
0 765

abante-i-know-better-jun-nardo
Itinanggi nina Xian Lim at Louise delos Reyes ang tsismis na nagkadebelopan sila habang ginawa nila ang Viva movie nilang “Hanggang Kailan?”

“We respect each other’s partner in real life. ‘Yung bond namin sa Japan, it might seem but it’s not, pero marami na akong alam na sikreto ni Xian! Ha! Ha! Ha!” katwiran ni Louise sa grand mediacon ng movie.

May kissing scene at love scenes silang dalawa sa una nilang pagtatambal. So ibig sabihin nakita ni Louise ang magandang katawan ng leading man.

“Ang reaksyon ko po, sabi ko sa kanya, ‘Keep it up!’ Nu’ng nasa Japan kami, super workout siya, tumatakbo siya umagang-umaga. Saka bago namin i-shoot ang intimate scenes namin, hindi siya kumakain. Super-diet siya,” bulalas ni Louise.

Sa totoo lang, bukod sa pag-arte, naglalaro si Xian ng basketball sa MPBL para sa Mandaluyong Tigers. Ratsada rin siya sa paglalaro at hindi siya bangko, huh.

“Sa basketball, isang break out sa akin ito dahil ‘yun naman talaga ang pinunta ko sa Pilipinas how many years ago. Pangarap ko talagang maging basketball player.

“So nu’ng nakuha ko ang opportunity, nakuha ako ng Mandaluyong, hindi ako makapaniwala talaga. Malaking achievement para sa akin maski marami ang nagsasabing, ‘Xian, hindi matutupad, hindi matutupad ang pangarap mo.

“It’s more dedication talaga at maaabot mo ang pangarap mo. Sob­rang saya.

“When it comes to nalilimitahan sa project, hindi naman po. Eversince na magsimula ako, ako bilang artista, naghihintay lang ako ng proyekto sa akin.

“Nu’ng dumating ang pagiging basketball player, dito muna. Explore ng opportunities!” rason ni Xian.

***
‘Cain at Abel’ susugod sa Sinulog Festival

Susugod ang cast ng Kapuso series na “Cain at Abel” ngayong araw para sa Sinulog Festival sa Cebu City. Magpapasaya sina Dindgdong Dantes at Dennis Trillo sa mall show nila sa Gaisano Grand Festival Mall sa Tabunok, Talisay City ng 3PM. Then, kasunod nito ang show sa Robinson’s Galleria Cebu ng 6PM.

Sa Sunday, January 20, kasama na nina Dong at Dennis sina Solenn Heussaff at Sanya Lopez at paparada sila sakay ang Kapuso float para sa Sinulog grand parade.

Magkakaroon naman ng live cove­rage ang GMA Cebu simula ng 7AM to be hosted by Balitang Bisdak anchors.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy