Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Xian ‘nabuntis’ sa GMA

0 157

Kaloka ang mga pasabog ng GMA ngayong 2022, ha!

Kaabang-abang ang mga show nila sa afternoon prime tulad ng “The Fake Life,” “Apoy sa Langit,” “Abot Kamay na Pangarap,” “Frozen Love,” “Return to Paradise,” “Underage,” “Heaven In My Heart,” “Nakarehas Na Puso.”

Bukod pa riyan siyempre ang mga teleserye nina Xian Lim, Glaiza de Castro, ang ‘False Positive’ na nakakaloka ang kuwento, ha!

Imagine, gaganap si Xian bilang isang lalakeng buntis.

Kuwento nga ito ng isang nagdadalang-taong misis na napabayaan ng kanyang mister. Matapos niyang humiling sa isang mahiwagang fountain, biglang isang fetus ang nabuo sa tiyan ng kanyang asawang lalaki. Kaloka, di ba?

At siyempre, siguradong marami rin ang mahu-hook sa “Widows’ Web,” na isang murder-mystery series tungkol sa tatlong babaeng posibleng may kinalaman sa pagkamatay ng isang lalakeng konektado sa buhay nila. Bida rito sina Carmina Villarroel, Pauline Mendoza, Ashley Ortega, Vanessa Del Moral.

Well, abang-abang na lang sa mga mas matitindi pang pasabog ng Kapuso Network. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.