Una sa Balita

Xian Lim kinalimutan:Kim wala nang takot, galit sa puso

0 852

Isang linggo matapos ang insidente ng pamamaril sa sinasakyang van ng Kapamilya actress na si Kim Chiu, nag-post ito sa Instagram ng walang humpay na pasasalamat sa lahat ng nagpaabot ng concern para sa kanyang kaligtasan.

Doon daw napagtanto ni Kim na napakaikli ng buhay at ganoon na lang ang pasasalamat niya sa Panginoon na nakaligtas siya sa tiyak na kapahamakan.

“I must say it is a miracle. I could not explain the feeling but i know he was with us and so our guardian angels,” bahagi ng post ni Kim sa solo photo niya habang nasa background ang sunset.

Pinasala­matan niya sina Direk Lauren Dyogi, mga big boss ng ABS-CBN, mga katrabaho at kaibigan na umalalay sa kanya sa naramdamang takot dulot ng pangyayari.

“I realized a lot of things, you discover people who are willing to help, people who care for you and people who just wants to bring you down. I dont want to get mad at them or ‘hate’ them.”

Patama kaya ito sa isang veteran media personality na nagsabing “drawing” o gawa-gawa lamang ang insidente ng pamamaril sa sasakyan ni Kim?

“Puno ng pasasalamat ang puso ko, I’m just happy that I am here posting another IG post and thanking HIM for this precious life! Tuloy ang buhay!

“Papa God maraming salamat po. Now no need to be scared. Kung wala ka namang ginagawang masama, there is no need to be scared. #grateful #faith,” bahagi pa ng mahabang post ni Kim.

Kapansin-pansin lalo na sa mga fan ni Kim na lahat na ay pinasa­lamatan niya, mga kaibigan, katrabaho, mga abogado sa kasong ito, pero bakit daw yata hindi nito nabanggit man lang ang ka-love team na si Xian Lim??

Nakalimutan lang ba siyang pasalamatan ni Kim? For sure naman, isa dapat si Xian sa mga unang tao na tatakbuhan ng aktres sa oras ng kagipitan at pangamba dahil hindi man sila direktang umaamin ay ramdam ng mga fan na malalim na ang relasyon ng dalawa.

Kung ako si Xian, magtatampo ako kay Kim dahil sa post niyang ito. Or, baka naman break na sila ni Xian? Or may pinagdadaanan?

Marami ngang realization si Kim sa mga pangyayari, isa nga kaya doon ay na kulang ang pagmamahal na iniaalay ni Xian para sa kanya? Hindi na ba siya si Mr. Right ni Kim?

SB19, MNL48 magsasanib-puwersa

K-pop, j-pop fans mag-ingay! Siguradong aprub sa mga fan ng girl group na MNL48 at fast rising boy group na SB19 ang pinaplanong collaboration nila.

Noon kasi, sa isang interview ng MYX sa noon ay newbie sa music scene na SB19, pangarap daw nila na makasama sa iisang stage ang produkto ng ABS-CBN na MNL48. Nauna ngang nabuo ang girl group na ilang hit songs na rin ang umariba sa mga radio at music stations.

At recently, nang ang ilang MNL48 member na sina Coleen, Sheki, Gabb, Sela at Dian naman ang na-interview ng MYX para sa promotion ng bago nilang kanta na “High Tension”, open din umano sila sa collaboration sa SB19.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More