Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Xian Lim kabog sina Piolo, Jericho

0 1,252

Umaasa pa ring makakapag-produce, makapagsulat at makapagdirek ng pelikula si Xian Lim sa mga susunod na taon kapag kontrolado na ang coronavirus at malaya na uling makagalaw ang lahat.

Nag-throwback si Xian sa kanyang Instagram ng larawan niya habang pinagkakaguluhan ng mga fan sa event ng Cinemalaya last year.

Isang taon na mula nang ipalabas sa naturang film festival ang unang pelikulang dinirehe, sinulat, prinodyus niya.

“About a year ago from t oday, my first film premiered in CP for Cinemalaya 15. I’m looking forward to writing, directing and producing more films in the future,” sey niya.

Si Xian na yata ang pinaka-top sa hanay ng mga male celebrity, mga Kapamilya actor, o kahit sina Piolo Pascual, Jericho Rosales, na kayang gawin ang lahat; tumutugtog ng mga musical instrument, kumakanta, umaarte, nagdidirek ng pelikula, nagba-basketball at marami pang iba. (Rey Pumaloy)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.