Una sa Balita

Xian Lim hindi ‘banned’ sa ABS-CBN

By
0 488

Hindi banned sa ABS-CBN si Xian Lim. Ito ang mensaheng gusto niyang iparating, matapos kumalat sa social media ang tsikang ban nga siya sa dati niyang network dahil ilang shows kung saan nag-promote sina James Reid at Sarah Geronimo para sa pelikulang Miss Granny ay hindi siya kasama.

Nang makausap namin siya sa solo presscon niya para sa movie na ito, nagbigay nga siya ng kanyang pahayag.
“Nakakapag-promote naman. It’s just this one or two particular shows na ang James at Sarah supporters ay nagri-react kung nasaan daw ako.

“I mean, I know where they’re coming from na some are worried especially yung sumusuporta sa akin na wala ako dun. And some ay…parang ba’t iniwan ko naman daw yung dalawa.

“Naano naman ako. People who sent me a message.

“It’s not that hindi ko gusto kong mag-promote, it’s just that na wala naman silang nabanggit sa akin.”

Willing daw siyang sumama sa iba pang stints ng dalawa lalo na’t bahagi siya ng Miss Granny at dream-come-true para sa kanya ang makasama si Sarah.

Kumbaga, wala sa kanya ang problema, pero hindi raw ito dahilan para masabing apektado ang kanyang relasyon sa ABS-CBN matapos niyang lumipat sa Viva Entertainment Inc. bilang talent nito.

Samantala, puro papuri naman siya sa kanyang co-stars na kung saan ay nag-develop sila ng magandang samahan sa set. Hindi nga raw niya akalain na ganun pala kakulit din ang Popstar Princess samantalang cool guy nga raw si James.
But of course, sanay na siya kay Bb. Joyce Bernal na siyang director nito dahil pangatlong movie na nila ito together.