Una sa Balita

Xian dumaan sa depresyon dahil sa ABS-CBN?

0 430

abante-anything-goes-jun-lalinSobra naman daw sabihin na nagka-depression siya dahil sa tagal na walang regular pro­ject sa ABS-CBN. ‘Yan ang reaksyon ni Xian Lim nang makatsikahan ko siya via phone-patch sa online show ko na “Anything Goes” sa Facebook page ng Abante News Online noong Wednesday.

Pero sinabi nga ni Xian na pareho silang masaya ng girlfriend na si Kim Chiu na may bago silang project together, ang “Love Thy Woman” kung saan ay makaka-triangle nila si Erich Gonzales.

Sinabi rin ni Xian na hindi naman niya inisip na lumipat ng ibang TV network.

‘Yung paglipat daw niya sa Viva Artists Agency, hindi naman daw nangangahulugan na gusto niyang lumipat sa GMA.

Very thankful din si Xian sa KimXi fans nila ni Kim dahil nanatiling nakasuporta ang mga ito sa kanilang love team.

Sa last week of May nga pala magsisimula ang ta­ping ng “Love Thy Woman” na sa tingin ni Xian ay final title na ng kanilang bagong teleserye.

Nang makatsikahan ko nga pala si Xian ay papunta siya sa workshop nila ni Alex Gonzaga para sa isang bagong movie project nila.

Ruffa binawalang lumabas ng bansa

Alam mo, Dondon, type ko kapag hindi nag-aaway ang mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez dahil sa lovelife ng huli.

Noong magkasama kasi kami sa Power Plant Mall noong Wednesday afternoon, sweet ang mag-ina sa kanilang merienda. Nagkita sina Bisaya at Ruffa dahil paalis nga kahapon pa-Thailand ang actress at nag-bonding muna silang mag-ina.

Kasama nga pala si Ruffa sa “Love Thy Wo­man,” ang pagbabalik-Kapamil­ya network niya at excited siya para sa teleserye na ‘yon.

Sinabihan nga lang daw si Ruffa ng big boss nila sa Dreamscape, si Deo Endrinal, na kapag nag-start na ang taping ng “Love Thy Woman,” bawal na siyang bumiyahe.
Kailangan ay palagi siyang available para sa T-TH-S tapings nila.

“Bawal daw akong magpaalam para mag-travel. Hahaha. Ganoon ba talaga ang image ko, palaging nagta-travel?

“Nagta-travel lang naman ako kapag walang work, priority ko naman ang work, ha!” sabi ni Ruffa na kinontra naman ni Bisaya, “Naku, Ruffa, ganoon ka naman talaga, ang hilig mong magpaalam na may travel ka, kaya sinasabihan ka.

“Bawal ka talagang mag-travel habang on-going ang taping ng teleserye n’yo,” sabi pa ni Bisaya.

‘Yung character ni Ruffa sa “Love Thy Wo­man” ay first week of June pa raw ang ta­ping at excited siya na pinaghahandaan na ‘yon.

Mas concentrated nga siya ngayon sa pagda-diet at exercise, pero nang magkasama kami, kumain ng beef tacos si Ruffa at nang sitahin ko, sinabing hindi pa raw kasi siya kumakain that day.

Going back to her lovelife nga pala, wala na akong naririnig na bago, kaya siguro magkasundong-magkasundo na sina Ruffa at Bisaya, huh!

Kevin Lapeña pasok sa ‘Cooltura’

Sa tsikahan namin ng bagong IBC-13 President and CEO na si Ms. Kat de Castro, naikuwento niyang finally ay may bagong episodes na ang “Cooltura” show nila.

May ilo-launch din daw silang new male host ng “Cooltura.”

Nakita ko na ‘yung teaser ng “Cooltura” kung saan ang host ay si Kevin Lapeña na cute and hunky, kaya tiyak na maraming magkakainterest na panoorin ang new episodes ng show na ‘yon.

Very soon, ipapa-meet ni Kat sa entertainment press si Kevin to launch the new episodes of “Cooltura.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy