Una sa Balita

Xiamen Air pagmumultahin ng ₱15M

0 218

PINAGBABAYAD ng Manila Internationa­l Airport Authority (MIAA) ang Xiamen Air ng mahigit sa P15 mil­yon dahil sa ginastos sa pagtanggal ng eroplano sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay MIAA ge­neral manager Ed Monreal, inisyal na multa pa lang umano iyon at hindi pa talaga kasama ang iba pang ‘penalty’ na nilikha ng abala matapos sumadsad ang fight MF8667 sa NAIA runway noong Huwebes nang gabi.

Aniya, P4 milyon ang ginastos nila para sa pagrenta ng crane ginamit sa pag-alis ng Boeing 737 aircraft sa runway.

Nauna nang sinabi ni Monreal na pana­yam ng ANC na maaa­ring patawan nang mas malaki pang multa ang Xiamen Air kapag na-compute na ang nalugi sa gobyerno bunsod ng naturang insidente.