Una sa Balita

Xi Jinping kinasuhan nina Morales, Del Rosario sa ICC

0 385

KINASUHAN ng dalawang ­dating mataas na opisyal ng gobyerno si Chinese President Xi Jinping sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng sinasabing ‘atrocious actions of Chinese officials in the South China Sea and within Philippine territory’ na umano’y maituturing na ‘crimes against humanity.’

Ang sinasabing ‘communication’ ay isinampa nina dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio Morales, dalawang araw makaraan ang withdrawal ng Pilipinas sa ICC noong Marso 17.
Kinakatawan umano nila ang sambayanang Pilipino at ang daang libong mangingisdang Pinoy na ­naging biktima ng iligal na pananakop ng China sa mga islang sakop ng West Philippine Sea (WPS).

“In implementing China’s systematic plan to take over the South China Sea, President Xi Jinping and other Chinese officials have committed crimes within the jurisdiction of the Court which involve massive, near permanent and devastating environmental damage across nations,’’ sabi pa sa communication nina Del Rosario at Morales.

“The situation presented is both unique and relevant in that it pre­sents one of the most massive, near permanent and devastating destruction of the environment in huma­nity’s history, which has not only adversely affected and injured myriad groups of vulnerable fishermen, but pre­sent and future generations of people across nations,’’ ayon pa sa reklamo.

Anila, seryoso ang krimen na ginawa ng China at ito ay hindi dapat na palagpasin ng ICC dahil apektado dito ang international community sa pangkalahatan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy