Una sa Balita

Wuhan hospital director nasawi sa coronavirus

0 338

HINDI nakaligtas sa coronavirus outbreak ang pinuno ng isang ospital sa Wuhan, China.

Ayon sa report, namatay dahil sa virus si Liu Zhiming, director ng Wuhan Wuchang Hospital, dakong alas-10:30 ng umaga nitong Martes, ­Pebrero 18.

Siya ang ikalawang prominenteng Chinese doctor na ginupo ng virus.

Matatandaang nito lang buwan nang magluksa ang milyon-milyong Chinese sa pagpanaw ni Li Wenliang, ang doktor na unang nagbabala tungkol sa natuklasang coronavirus. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More