Una sa Balita

Wright, Tubid biniyahe ang Dyip vs Rain or Shine

By
0 338

NAKALSUHAN din ang napakahabang 23-game losing streak ng Columbian Dyip sa PBA Gover­nors’ Cup, itinumba ang nagiging suki nang Rain or Shine, 100-84, Biyernes nang gabi sa Ynares Center sa Antipolo.

Pinangatawanan ng Dyip ang pagiging kontra-pelo sa Elasto Pain­ters, tatlong beses tinalo sa gayunding dami ng paghaharap ngayong season - tig-isa pa sa Philippine Cup at Commissioner’s Cup.

Hindi na na-zero ang Dyip sa season ending conference, humirit ng isang ‘W’ pagkatapos ng 10 laro.

Magic bunot sa first win ni Johnedel Cardel bilang head coach si Philip Cahilig na bumomba ng 11 points sa second quarter tulad ng produksiyon ni Rashawn McCarthy tungo sa 50-39 lead ng Dyip sa break.

Inumpisahan ng Painters ang third sa 9-0 run hanggang mapu­wersa ang first deadlock ng laro at unang hawak din sa manibela 54-52 sa back-to-back baskets ni Terrence Watson pero nasa unahan muli ang Columbian, 68-63, papasok ng fourth.

Dahan-dahang kumalas sa final quarter ang Dyip sa likod nina McCarthy, Jerramy King at Akeem Wright. Lahat ng tatlong tres ng import ay duma­ting sa fourth, may tigalawa sa period sina McCarthy at King nang ilayo ang team hanggang 91-70.

Napasama ng bagsak si Rain or Shine big man Beau Belga sa second at hindi na nakabalik.

Tumabo si Wright ng 23 points mula sa 9 for 24 shooting at may 12 rebounds, 3 assists, 3 steals at 1 block kontra 2 turnovers. Umayuda ng 18 si King, tig-16 sina McCarthy at nag-init ding si Ronald Tubid. Tumapos si Cahilig ng 13 points.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy