Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Wright nabitin sa tigil-putukan

0 245

ISA sa pinaka-nasapol ng tigil-putukan sa PBA Governors Cup si Matthew Wright.

Kuha na ng Phoenix Super LPG gunner ang momentum nang ma-postpone ang mga laro mula January 5.

“SMH,” sundot ni Wright nang i-retweet ang galing PBA na “COVID-19 surge dampens PBA momentum”.

Shaking my head daw ang Fil-Canadian guard.

Sa huling laro ng Fuel Masters noong Dec. 25, nag-take charge si Wright nang mawala 2 minutes lang sa laro si import Paul Harris.

Pasabog si Wright ng game-high 23 points para pigilin ang 4-0 start ng NLEX 102-93.

Kumonekta ang sniper ng 6 for 9 sa 3-pointers, may 9 rebounds at 4 assists pa.

Higit 4,000 crowd ang nakapasok sa Smart Araneta Coliseum sa Christmas Day game na ‘yun – pinakamarami sapol nang ibukas ang Big Dome sa live audience makalipas ang 21 months matapos manalasa ang pandemic.

Bago binangasan ang Road Warriors, naglista rin si Wright ng 20 points sa 125-121 overtime loss ng Phoenix sa Ginebra. Pinalamutian niya ‘yun ng 4 rebounds, 8 assists at career-high 6 steals.

Sa 3-2, nasa kalagitnaan ng standings ang Fuel Masters nang suspendihin ang mga laro. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.