Una sa Balita

Wright may pabaon kay Kramer

0 411

BAGO hinarap ng Phoenix ang Blackwater noong Biyernes sa Smart ­Araneta Coliseum, nag-goodbye na sa teamamtes si Fuel Masters center Doug Kramer.

Magre-retiro na ang 6-foot-5 big man mula Ateneo, isasabit ang jersey pagkatapos ng 12 seasons sa PBA.

Huling laro rin ‘yun ng Fuel ­Masters sa season dahil wala nang pag-asa na umabot sa playoffs.

Nangako si Matthew Wright sa kanyang veteran teammate na bibigyan niya ito ng magandang pabaon sa final game sa pros.

Tinupad ni Wright ang pangako, ibinaon ang game-winning 3 sa dulo ng overtime at inalpasan ng Phoenix ang Elite.

“Before this game, I told Doug there’s no way we’re gonna lose the last game of his career,” pahayag ni Wright, 5 for 14 lang mula sa labas ng arc pero dalawa rito ang pinaka-importante – ang huli ang nagbigay ng panalo.

Sa final 2 seconds ng OT, nasa ­sulok si Wright nang sambutin ang ­inbound pass ni Alex Mallari. ­Bumitaw ang national team mainstay, swak.

Si Wright din ang umiskor ng ­final 9 points ng Phoenix sa regulation, huli ang isa pang tres na nagbuhol sa iskor 109-109.

Sa extra period, umangat ang Fuel Masters 117-114 sa free throws pa rin ni Wright 11.1 seconds pa.

Pero nag-blunder sa kabila si ­Mallari, binigyan ng and-1 foul si Roi Sumang at muli ay nagbuhol sa 117.

“I was mad at Alex, actually,” ­nakatawang pahayag ni Wright, ­nilista ang 20 sa kanyang 28 points sa fourth quarter at overtime.

Mula 2016 ay magkakampi na sina Wright at Kramer sa Phoenix. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy