Una sa Balita

Wright bagong bala ng RoS

0 303

Nakapagdesisyon na ang Rain or Shine, ibabalik si Joel Wright sa 44th Philippine Basketball Association Governors’ Cup 2019.

Nakapaglaro na sa PBA si Wright noong 2016 edition ng parehong torneo, kinuha ng Star Hotshots (Magnolia Pambansang Manok na) pamalit kay Marqus Blakely.

Sa pitong laro, nag-average si Wright ng 28.4 points, 14.5 rebounds, 2.7 assists, 1.8 steals at 1.4 blocks. Kaya lang, ‘di niya nadala sa playoffs ang Hotshots.

Tapos ng kampanya ng Elasto Painters sa semifinals ng nakaraang­ Commissioner’s Cup, nabanggit ni coach Caloy Garcia na may limang imports sila sa lista­han ng posibleng ipaparada sa Gover­nors Cup na sisiklab sa simula sa Sept. 20.

Nakapako sa 6-foot-5 ang height ceiling ng reinforcements ng season-ending conference.

Nakakuha na ang RoS ng clearance mula sa Purefoods franchise na may-ari ng Magnolia, kaya go na si Wright.

Huling naglaro ang American sa Switzerland para sa BBC Monthey.
Nakatakdang dumating sa bansa si Wright, 29, sa susunod na linggo. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy