Una sa Balita

Wright ayos ang unang laro sa RoS

0 267

tumpak!

STANDINGS
TEAMS W L
NLEX 1 0
Meralco 1 0
NorthPort 1 0
Rain or Shine 1 1
Columbian 1 1
Magnolia 0 1
Phoenix Pulse 0 1
Alaska 0 1
San Miguel Beer 0 0
TNT 0 0
Ginebra
San Miguel 0 0
Blackwater Elite 0 0

Mga laro sa Miyerkoles:
(Smart Araneta Coliseum, QC)
4:30 pm – TNT vs Blackwater
7 p.m. – San Miguel Beer vs Phoenix Pulse

KLIK ang unang laro para sa Rain or Shine ni import Joel Wright sa pagbabalik-Philippine Basketball Association tapos unang masilayan sa Star Margarine (Magnolia Pambansang Manok na ngayon) tatlong taon na ang nakalilipas.

Bumrotsa ang 29-year-old, 6-foot-5, Brooklyn, New York native ng 30 points, 10 rebounds, 3 assists, 2 blocks at 1 steal sa halos 32-minute job upang bisigin ang pagpapatirik ng RoS sa Columbian, 96-90, sa Governors’ Cup eliminations Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

May krusyal na ayuda si Rey Nambatac na 17 markers, tigta-3 boards, feeds at steals para tanghaling best player of the game at makisalo ang Elasto Painters sa biktimang Dyip sa fourth spot sa 1-1.

Pumuntos pa ng tig-10 para sa RoS sina Ping Exciminiano at Jayvee Mocon para makabawi ang ang mga magpipintura sa 99-94 loss sa NorthPort nitong Biyernes, pinigilan ang Dyip na masundan ang 117-110 win sa Alaska Milk sa parehas na araw.

Siyam ang malaking nilamang ng E-Painters samantalang pito ang Dyip sa laro.

Ang iskor:

Unang laro

Rain or Shine 96 – Wright 30, Nambatac 17, Exciminiano 10, Mocon 10, Borboran 9, Daquioag 8, Torres 7, Norwood 2, Rosales 2, Ponferada 1, Yap 0, Belga 0, Onwubere 0.

Columbian 90 – Alston 23, Perez 22, Khobuntin 14, Tiongson 10, McCarthy 9, Cahilig 5, Camson 3, Flores 2, Calvo 2, Faundo 0, Reyes 0, Celda 0, Gabriel 0, Gabayni 0.

Quarterscores: 23-14, 44-44, 66-63, 96-90. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy