Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Wright ‘asar’ kay Abueva

0 177

HINDI na naitago ni Phoenix Super LPG star Matthew Wright ang inis nito sa dating kakampi na si Calvin Abueva.

Sa quartefinals ng Governors Cup, hindi umubra ang Phoenix sa Magnolia Hotshots kaya naman nagbabu na sila sa season-ending conference.

Sa nasabing laro, fouled out si Wright habang nasa ikatlong quarter pa lamang, nang papalabas na ang player sa court, inakbayan at tinapikbito ni Abueva na agad namang inalis ng una. KAsunod nito, sa isang Instagram story ni Wright matapos ang laro, ipinoste nito ang larawan nila ni ‘The Beast’.

“I hate this guy,” pabirong caption ni Wright na nilagyan niya ng emoji ng puso sa dulo.

Bago mapunta sa Hotshots si Abueva, nagkasama sila ni Wright ng tatlong season. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.