Una sa Balita

WPC may online wingbanding

0 342

Wala pang sabong dahil sa patuloy na pamiminsala ng pandemic coronavirus.

Pero magdada-download na ng Online Wingbanding Application form para sa WPC wingbanding.

Hinayag ito sa Facebook page ng World PitMasters Cup (WPC) Wingbanding group para malaman ng mga breeder.

At dahil online, nagbabala ang admin ng WPC Wingbanding group na ang magsu-submit ng fake/bogus na farm information ay iba-ban sa nalalapit na international 9-cockd derby na pansamantalang itinakda sa Hulyo-Agosto.

Maraming nag inquire sa nasabing wing banding kaya naman naisipan ng organizer ng WPC na magkaroon ng online application at upang mapatupad ang social distancing na pinaiiral ng gobyerno sa enhanced community quarantine.

Habang namiminsala ang COVID-19, posibleng ituloy ng gobyerno ang ECQ o ibaba lang mu8na ito sa modified ECQ o general community quarantine para manatili ang “No sabong Nationwide”. (Elech Dawa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More