Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

WPC malaki tulong kina Malvar, Lim

0 154

PAREHONG payo sa pagbi-breed ang ibinigay nina Paolo Malvar ng SunHaven GameFarm at Dicky Lim ng El Nido GameFarm sa mga backyard breeder.

Nakausap ng “SABONG On Air” ang dalawang bigtime commercial breeder na sina Malvar at Lim nakaraan, at ayon sa kanila huwag magtipid sa mga materyales kapag magbi-breed.

“Kailangan maayos ang materyales mo, alam mo ang bloodline at may tamang lugar ka ng paglalagyan ng manok,” saad ni three-time World Slasher Cup champion Lim.

Naisiwalat naman ni Malvar ang mga bloodline na kanyang pinaparami matapos siyang tanungin ng host ng” SABONG On Air” na si Ka Rex Cayanong.

Ayon kay Malvar ang mga Sweater, Gilmore, konting roundhead at off color ang pinaparami niya at ito rin ang kanyang mga ginagamit kapag sumasali sa mga big event.

Inamin naman nina Malvar at Lim na malaking tulong sa kanilang mga commercial breeder ang palaban sa WPC dahil nagkakaroon sila ng buyer kahit may pandemya.

At dahil sa dami ng laban ay kinukulang ng manok na isasabong si Malvar, sinabi nitong nasa 90 hanggang 100 manok ang kanyang inilalaban sa loob ng isang buwan.

Para nalaman ang ibang tip nina Malvar at Lim sa pagbi-breed ay maaaring mapanood sa YouTube ang buong interview ng “SABONG On Air” sa dalawa.

Ang “SABONG On Air” ay bagong segment ng Radio DZME 1530 KHz AM na mapapakinggan tuwing Biyernes sa alas-3 hanggang alas-4 ng hapon. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.