Una sa Balita

Wozniacki nag-reyna sa Aussie Open

By
0 1,759

Pagkatapos ng pang-43 subok, itinaas ni Caroline Wozniacki ng Denmark ang una niyang Grand Slam title.

Naligtasan ni Wozniacki si Simona Halep ng Romania 7-6, 3-6, 6-4 para mag-reyna sa Australian Open sa Melbourne Park kahapon.

Napahilata sa court at humagulgol si Wozniacki nang ibaon ang match point. Pagkatapos ng isang dekada, kampeon na rin siya.

Aangat pa bilang world No. 1 sa susunod na rankings. Nakawala na siya sa bangungot ng mailap na major title.

“I’m never going to get that question -‘when are you going to win a Slam?’ – ever again,” emosyonal na wika ni Wozniacki, 27. “Now I’m just waiting for the question – ‘when are you going to win the second one?'”

Mainit sa Melbourne, parehong lupaypay ang magkatunggali pagkatapos ng match. Si Halep, humingi ng medical timeout sa kalagitnaan ng second set para ipa-check ang kanyang blood pressure. Sumasakit na daw ang ulo niya at nahihilo pagkatapos ng laro.

Tumikim na ng major title si Wozniacki, bago habulin ang susunod ay iuuwi muna at itatabi sa pagtulog ang silver cup trophy ng Aussie Open, ang Daphne Akburst Memorial Cup. (