Una sa Balita

Wow mali sa quick count!

By
0 5

Inamin ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na nagkaroon ng pagkakamali sa kanilang panig habang isinasagawa ang quick count sa resulta ng May 9 polls kung saan ang ginamit na basehan ng citizen’s arm ang Transparency Server mismo ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay PPCRV Communications and Media Director Ana de Villa Singson, mayroong ‘issues’ na lumutang nang isinagawa nila ang quick count partikular na sa party-list race.

“Our screens are networked. There was a networking connectivity issue rather than the data. The data was always correct. It’s just the connectivity issue that is why the ones projected on the screen were wrong,” sabi ni Singson  sa isang panayam. Ginawa ni Singson ang pag-amin kasunod ng inihaing reklamo sa  PPCRV ng Confederation of Non-Stock Savings and Loan Associations, Inc. (CONSLA) party-list na humihingi ng paliwanag sa “discrepancy” patungkol sa kanilang mga tinanggap na boto.

Binanggit ng CONSLA sa letter-complaint nito kung paano ipinakita sa PPCRV Quick Count na ibinatay sa Transparency Server na noong May 9 ay nakakuha ang grupo ng 342,513 votes. Ang naturang resulta ay napaskil sa Twitter feed ng PCCRV na na­ging basehan ng reklamo ng CONSLA.

Kinuwestyon ng CONSLA kung paano nangyari na sa sariling canvassing results ng Comelec ay nasa kabuuang 213,814 lamang ang kanilang boto. Hindi naman isina­santabi ng PPCRV ang posibilidad na maling screen shot ang naipakita batay pa kay Singson.