Una sa Balita

‘Worst finish’ nalasap ng USA sa World Cup

0 288

HANGGANG seventh o eighth na lang ang pinakamataas na finish ng US sa FIBA World Cup sa China.

Depende pa ‘yun sa resulta ng consolation finale match kontra Poland ngayon.

Dumayo ng China ang Americans na tangkang maging pinakamaangas sa buong mundo. Uuwi silang bitbit ang worst finish sa international tournament. Ang dating worst finish ng US men’s team sa major tournament ay sixth noong 2002 world championships.

Sadsad din ang US sa Serbia 94-89 sa consolation game Huwebes ng gabi.

“We’ve committed to this from Day One,” ani guard Joe Harris. “To get all the way to this point and just kind of have it abruptly come up short, it really stings.”

Umiskor ng 22 si Harrison Barnes sa US, may 18 si Kemba Walker at 16 kay Khris Middleton.

Hindi naidepensa ng US ang back-to-back titles sa China, pero bibiyahe pa rin sila sa Tokyo para sa 2020 Olympics.

Sinilaban ng 28 points ni Bogdan Bogdanovic ang Americans, nagdagdag ng 15 si Vladimir Lucic para sa Serbia na nagpundar ng 25-point lead.

Malayo ang Serbs pagkatapos ng first 32-7, bumawi ang Americans sa second 33-12.

Walang 24-oras ay nadalawahang sunod na talo ang US, nalusaw ang kampanya sa medalya nang sipain ng France sa quarterfinals.

Hindi naglaro sa US sina Jayson Tatum (left ankle) at Marcus Smart (left hand), mas malamang na wala rin kontra Poland.

Mula 1936, naka-36 tournaments na ang US sa international competitions kabilang ang Olympics at World Cup (dating world championship).

Pang-apat na pagkakataon lang ngayon na walang medalya ang Americans sa alinman sa dalawang torneo. Fifth sila noong 1970 worlds, fifth sa 1978 worlds, sixth sa 2002 worlds.

Wala silang palya sa podium sa 18 Olympic competitions, 15 dito ang gold. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy