Una sa Balita

World Slasher Cup: 4 entry nanguna

By
0 866

APAT na kalahok ang lumapit sa kampeonato ng “2019 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby” matapos kumulekta ng limang panolo noong Huwebes, Jan. 31, sa Smart Araneta Coliseum.

Malinis na 5-0 (panalo-talo) kartada ang hawak nina Elmer Stoka ng Guam, Jomel Gatlabayan and RGBA Friends, A. Bernos ng Abra at CPB and Cris entry patungo sa 4-cock grand finals sa Feb. 6. 

Ikatlo at huling semifinal round ang bibira ngayon, Sabado, Feb. 2 tampok ang world class na mga sultada bukod sa tsansang manalo ng 32-inch LED tv sa Powertrac’s raffle promo.
Balikatang mga sultada ang iisponsoran ngayon ng Thunderbird, Emperador, Powertrac, Pitgames Media at Sabong Pilipinas.

May matibay na suporta ni Pitgames Media CEO Manny Berbano, host ng tukaan sa TV5 tuwing Linggo (8 a.m. to 9 a.m.) ang pasabong na ito ng Pintakasi of Champions.

Magtatangka sa limang panalo sina Nathan Jumper ng Missisipi at partner Celso Evangelista ng LGBA (dalawang entries), Nene Araneta, Biboy Enriquez, Kano Raya, Boy Guinto, Cris Aguas, Rodolfo Pineda, Emil Tiu, Raffy Zaide, Choi Ampil, Santi Sierra, Magno Lim, Ruben Tan at ang tropa nina Felix, RC at Eddie Gatchalian. 

Umpisa ang three-day finals bukas. Ang iskedyul: Feb. 3 at 4 (4-cock finals ng entries na may 2, 2.5, 3 at 3.5 points) at Feb. 6 (4-cock grand finals ng 4, 4.5 at 5 points).