Una sa Balita

World Slasher Cup 2nd round ngayon

0 1,767

SUSUGOD ang local at international cockers sa ikalawang round ng “2019 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby” ngayon, Martes, Jan. 29 sa Smart Araneta Coliseum.

Libo-libong sabungero ang nagsiksikan sa unang araw kahapon (100 entries) sa pangu­nguna ng Pintakasi of Champions at buong suporta ni Pitgames Media CEO Manny Berbano. Isponsor din ang Thunderbird, Emperador at Powertrac.

Hindi nakasali si businessman Larry Rubinos ng Tagum City kahapon dahil sa delayed flight, ngunit may dalawang entries ngayon gamit ang Millionaire 5k lines ni Dink Fair ng Kentucky, USA.

Si sabong idol Patrick Antonio, kampeon sa World Pitmasters Cup noong Sabado, ang lider­ ng Team Philippines ngayon kasama ang past WSC champs.

Sila ay sina Biboy Enriquez, Nene Araneta, Ray Alexander ng Alabama, Rey Briones, Dicky Lim, Joey Sy, Ed Aparri, Art de Castro, Boy Marzo, Frank Berin, Dante Eslabon, Escolin Brothers, Rikki Reyes, Magno Lim, Peping Ricafort, Boy de Roca, Honey Yu, Noel Jarin at Joey delos Santos/Bruce Brown ng California.

Kasali rin sina American Michael Mushbar, Doc Bel Almojera ng Florida, lawyer Carlos Tumpalan, John Gutie­rrez, Ferdie Ducepec, Ronnel Pasia ng Team Sagupaan, Mon Villanue­va, Gengen Arayata, James Uy, Eddie Araneta, Jimmy Junsay, Jess Moradas at Doc Boy Tuazon.

Tawagan lamang ang WSC derby office: 588-4000 loc 8227 o 911-2928 at bisitahin ang http://www.worldslashercup.ph. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy