Una sa Balita

World Slasher Cup 2: Ikalawang round na

0 434

PAPASOK sa ikalawang araw ang kompitesyon sa prestihiyong World Slasher Cup 2 Invitational 9-Cock Derby sa Smart Araneta Coliseum ngayong Martes, May 28.

Aasintahin ng mga kalahok ang 2-0 (panalo-talo) ngayon o kahit isang puntos sa second round elims (2-cock) upang makapasok sa susunod na round.

“Magpapahirap sa mga kalahok ang bagong 9-cock format na sinimulan noong 2017,” ani Pitgames Media Inc. CEO Manny Berbano.

Bukod-tanging sina Gov. Claude Bautista ng Mindanao at Chris Copas ng Kentucky, USA (CPB Chris) ang may 9-0 (panalo-talo) sa WSC 1 noong Enero.

Ang ibang kampeon: Greg at Frank Berin (8.5 points, January 2017); Frank Berin, Anthony Lim, Dante Eslabon at Escolin Brothers (8 points, May 2017); sabong idol Patrick Antonio (8.5 points, January 2018) at Rey Briones/Rod Advincula (7.5 points, May 2018). (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy