Una sa Balita

World Slasher Cup: 2 entry nagkampeon

0 2,957

DALAWANG entry na may parehong 8-1 (panalo-talo) kartada ang kampeon sa 2019 World Slasher Cup 2 Invitational 9-Cock Derby kahapon ng madaling-araw sa makasaysayang  Smart Araneta Coliseum.

May apat na panalo patungo sa grand finals, rumatsada ng apat pangsultada ang Thunderbird 1 nina Nene Araneta at Frank Berin (ngayo’y four -time WSC champion) upang sungkitin ang korona.

Kampeon din sina 2019 Pitmasters 220 K Big Event champion Rey Canedo at Jun Verano (RC Warriors JD) na mayroon ding walong panalo.

Sa ika-49 sultada, pinataob ng RC Warriors JD ang RNK entry ng bagong saling si Reynaldo Villanueva na luma­laban din sa kampeonato.

Tumapos na runner-up si Villanueva (7 points) kasama si two-time WSC champ Honey Yu ng Pitogo, Quezon (Princess Bernice).

Mga isponsors ang Thunderbird at Emperador habang media partners ang PitGames Media Inc., TV5’s “All New Tukaan”, ABS-CBN Action + Sports, “Sagupaan,” “Sabong Nation”, “Sabong­ Pilipinas”, “Bakbakan Na TV”, The Sabong Chronicles, Journal Group, Pilipino Mirror, Saksi Ngayon at Diaryo Bomba. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy