Una sa Balita

World Slasher 2 semifinals ngayon

0 697

DADAYO muli ang mga sabungero sa Smart Araneta Coliseum para sa semifinals ng ‘2018 World Slasher Cup Invitational 9-Cock Derby 2’ ngayon, Miyerkoles.

Kabuuang 156 entry ang naitala sa WSC 2 handog ng Excellence Poultry and Livestock Specialists at Pit Game Media Inc. ni CEO Manny Berbano.

Sasabak ngayon ang two pointers na sina Jess Moradas, Rene Medina ng California, Jun Ranola, Pol Estrellado, Jervy Maglunob, Julia Nicole, Ricky Magtuto, Tony Marfori, Gov. Claude Bautista, Marvin Rillo, Nelson Uy, Jun Lao, Boyet Legazpi, Amante Capuchino, Frank Berin at Mayor Francis Espiritu.

Abante Hiring – IT dep

May 1.5 puntos sina Dr. Bel Almojera ng Florida, USA, Doc Ayon­g Lorenzo (DVH JSY Excellence), Jun Bacolod at Danny Buldog

Apat o higit pang puntos ang kailangan ng isang kalahok para sa matibay na tsansa sa kampeonato.

Kasado ang 4-cock finals sa Biyernes, May 11 (2 hanggang 3.5 puntos) at Sabado, May 12 (4 hanggang 5 puntos).

Kilala bilang Olympics of cockfighting, ang World Slasher Cup ay ginaganap tuwing enero at mayo taon-taon.

Para sa patron at box tickets, bisitahin ang Ticketnet box office sa Araneta Coliseum Circle (Yellow Gate) o tumawag sa 911-5555.