Una sa Balita

World Series champs Team Manila sinaluduhan

By
0 105

Todo-puri si Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada sa historical win ng Team Manila-Philippines sa 2017 PONY International 18-U Girls Softball World Series sa Hemet, California noong isang linggo.

Unang pagkakataon ito na nagkampeon ang Pilipinas sa torneo at ­unang bansa mula Asia na nag-uwi ng titulo.

“I am extremely proud of this achievement. They brought honor and prestige not only to the City of Manila but to the entire country,” anang alkalde, kasabay ng pagtiyak na tuloy ang paglalaan ng pondo at gamit para sa Big City softbelles.

Related Posts

Ang Team Manila-PHL ay mula sa iba’t ibang varsity teams ng UAAP.

“We express our heartfelt thanks to Mayor Joseph Estrada for his all-out support. We could not have made it this far without him,” pasalamat naman ni Manila Softball president Che Borromeo.

Ang standout pitcher na si Alma Tauli, 16-an­yos na tubong Norzagaray, Bulacan at si short stop Nichole Padasas, 18, ng Adamson ang bumitbit sa koponan. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy