Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

World record: Tiktok star viral sa laki ng bunganga

0 114

Bumasag ng Guinness World Records ang isang TikTok star dahil sa lawak ng kanyang bunganga.

Si Samantha Ramsdell, 31, taga-Connecticut, ngayon ang tinanghal na World’s Largest Mouth Gape (female), matapos sumukat ang kanyang bibig ng 6.52 sentimetro.

Sa laki ng bunganga ni Ramsdell, kayang isuksok doon ang french fries na big size, mansanas, orange maging ang buong hamburger.

Nagsimula si Ramsdell sa pag-post ng mga video niya habang kumakanta at umaakting ngunit naging main attraction sa kanyang mga viewers ang malaking bibig niya. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.