Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

World record: Kelot tumakbo na nakapiring

0 46

Tuluyang nasungkit ng isang lalaking Idaho ang 100-meter dash habang nagdya-juggling na nakapiring para sa world record matapos ang apat na taong pagtatangka.

Binasag ni David Rush ang mahigit 200 Guinness record para isulong ang STEM education, at sinabi na ang 100-meter (328-foot) ay mas mahirap kaysa sa iba pa niyang pagtakbo habang nagdya-juggling na nakapiring dahil kailangan sa Guinness na manatili sa siya kanyang 48-pulgadang lane.

Unang sinubukan ni Rush ang rekord noong Agosto 2017, ngunit nalaman niyang nahihirapan siyang manatili sa kanyang lane.

Aniya’y muntikan na niyang madale ang record ngunit nagkaroon ng isyu sa ebidensya sa video, kaya kinailangan niyang ulitin ang hamon.

Hanggang sa pagkatapos ng 22 bigo niyang pagtatangka, matagumpay din niya itong naabot nang makapagtala siya ng 16.29 segundong rekord. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.