Una sa Balita

World Pitmasters Cup 3rd semis ngayon

By
0 242

SI Talisay City, Negros Occidental Mayor Neil Lizares/EP (BNL Lucky Strike) at ang unang Pitmasters champion Joey Delos Santos (San Roque BB2) ay pangungunahan ang ikatlo at huling 3-stag semis sa 2018 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition) 9-Stag International Derby sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila, simula ikalabing-isa ng umaga tampok ang 130 sultada.

 Handog nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, RJ Mea & Gov. Eddiebong Plaza, kaagapay sina Eric dela Rosa & Ka Lando Luzong, ang world-class event na ito ay suportado ng gold sponsor Thunderbird Platinum – sa paluan ‘di mauunahan & Thunderbird Bexan XP. Naka-isponsor din ang VNJ, LDI at Thor.

May mga perpek­tong iskor na tig-2 puntos sina Gallera De Mandaue Management (Gallera De Mandaue-Cebu), Gerry Ramos (AAO-Hitcock), Gerry Ramos (AAO Pitmaster), Aldo/Jonarie/Jun Galves/Bl (Dec. 20 5stag Big Event Legaspi Albay/Bl),Andrew Montelibano/Raffy Zaide (AM Gwapits Kaliwete), Atty. H. Tuban (Tabuk Legal Eagles 5stag Nov. 28 Sjc Ht Jd),  E. Tose (419 Dayang Dayang Jace Lucban Infinity), Cong.Patrick Antonio (Sagupaan Ready To Fight/Winning Line/P.A/Inguel) at Fantastic Coliseum (AA/La Fantastic San Gabriel Oct. 14 5-Stag Fantastic).

Magkakaroon ng pansamantalang pagtahimik ng labanan bukas habang ang mga pasok sa final ay sandaling magpapahinga bago ang pinakahihintay na 4-stag finals sa Set. 28 para sa lahat ng lahok na may iskor na 2, 2.5, 3 or 3.5 puntos pagkatapos ng semis, samantalang ang may 4, 4.5 o 5 puntos ay magtutos para sa korona sa 4-stag grand finals sa ika-30 ng Setyembre.