Una sa Balita

World Cup gold medal mas OK kay Giannis

0 218

MAHALAGA kay Giannis Anteto­kounmpo ang kumatawan sa bansang Greece, importante sa kanya ang FIBA World Cup.

Katunayan, ipagpapalit ng Greek Freak ang kanyang NBA MVP sa gold medal ng World Cup.

“I would exchange the MVP title for the gold medal in China,” anang 24-anyos na 6-foot-11 wingman, ayon sa FIBA website.

Ibang klase raw kapag naglalaro sa national team.

“When you are starting the tournament and listening to the national anthem, the emotions can’t be described,” dagdag niya. “After the first basket, the first plays, it is an amazing experience and every time I feel as proud as the first time.”

Malayo na ang nara­ting ni Antetokounmpo mula nang pumasok sa liga noong 2013. Hindi pa siya kilala noon, ngayon ay maihahanay na sa mga ‘best’.

Sa anim na seasons, hindi mapigil si Giannis. Nitong nagdaang season ay naihatid niya ang Milwaukee Bucks sa best record sapul noong 1980-81, sinikwat ang unang first No. 1 seed sa nakalipas na 45 years.

Tatlo silang magkakapatid na Anteto­kounmpo sa national pool, nakikipag-agawan sa mga magsusuot ng Hellis kit sa China mula Aug. 31-Sept. 15 – kuya niyang si Thanasis at naka­babatang si Kostas. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy