Una sa Balita

‘World Cup fever’

By
0 379

Habang ang 32 koponan mula sa limang confe­deration sa buong mundo ay naglalaban-laban para sa 2018 FIFA World Cup na kasalukuyang ginaganap sa Russia, ang mga sports aficionado mapa-saan mang paning ng mundo ay sabik at mati­yagang nakasubaybay sa magiging resulta ng kompetisyon.

Tinagurian bilang pinakamagarbong pa­laro sa kasaysayan ng FIFA, ang mga football fan ay umaasang magiging maganda ang kalalabasan nito sa bandang huli.

Ang 2018 World Cup na ito ay ang ika-11 kampeonatong naganap sa kontinente ng Europa mula nang maganap ang kauna-unahang FIFA World Football championships noong 1930 sa Uruguay.

Ang South Ame­rica, North America, Europe, Africa at Asia ay nagpapalit-palitan ng pagkakataon kung saan magaganap ang mga palaro.

Ang Europa ang may pinakamaraming beses kung saan naga­nap ang World Cup.

Ang bansang Brazil naman ang humahawak ng rekord ng may pinaka-maraming panalo sa FIFA World championship. Ang mga manlalaro ng Brazil ay nananatili bilang malalakas na kalaban sa taong ito, kasama ng mga manlalaro ng Argentina, Germany, Spain, Portugal, France, Belgium at Uruguay.

Mula sa 32 koponan na nakahati sa walong grupo, ang Uruguay, Belgium at Croatia ang kasalukuyang nangi­ngibabaw sa siyam na puntos. Hindi malayo mula rito ang puntos ng Brazil at France, na may pitong puntos.

Ang kompetisyon ay magta­tagal hanggang sa ika-15 ng Hulyo.

Ang 2022 FIFA World Cup na gaganapin naman sa Qatar ay paniguradong aabangan din, lalo na at ito ang unang pagkakataon na magaganap ang torneo sa isang bansa sa Middle East.

Kahit anupamang laro or sports event ang mayroon tayo, ang mga ganitong world tournament ay hindi lamang para sa ika-aaliw ng bawat isa.

Higit na mahalagang isipin na ang mga kompetisyon na tulad nito ay nagpapamalas ng husay ng bawat bansang kalahok at siya ring nakapagbibigay sa mga ito ng oportunidad upang palakasin at patatagin ang relasyon nila sa iba’t ibang bansa sa mundo.

Ang mga sports event na ito ay napagakagandang instrumento ng pagkaka-isa at pagkakaroon ng kapayapaan at katiwasayan sa ating mundo.