Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

World Championships,SEAG pokus ni Hidilyn

0 81

NANANATILING ganado si weightlifting gold medalist Hidilyn Diaz matapos ang kanyang naging tagumpay sa nakalipas na 2020 Tokyo Olympic Games.

Bagaman aminado si Diaz na naging busy ito dahil sa kanyang umaapaw na biyaya dala ng kanyang tagumpay sa Tokyo, handa naman nitong harapin ang mga pasubok at ituloy ang kanyang pananalasa sa weightlifting.

“More pressure and more intense training is expected,” litanya ni Diaz, endorser ng Under Armour. “The challenge now is how will I maintain and sustain my strength, even surpass my personal record for me to continue what I’m doing, ”

“The situation is harder now because I became busy with the unexpected blessings,” sey ng 30-year-old weightlifter. “I just need to embrace, adapt, and learn from these challenges.”

Ilan sa mga nakalatag na kumpetisyon na inaasahang sasalihan ni Diaz ay ang World Weightlifting Championships sa Uzbekhistan sa Disyembre, ang 2022 Asian Games sa China at ang 31st Southeast Asian Games sa Vietnam. (Abante Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.