Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Workout habang naka-heels patok

0 85

Isa sa pinakamabisang paraan para manatiling healthy ang ating body ay ang pag-eehersisyon. Mayroon itong iba’t ibang paraan gaya na lamang ng pagpunta sa gym, pagbibisikleta, at pagsasayaw.

Mahalaga rin ang pagsusuot ng angkop na outfit tuwing tayo’y nagpapapawis tulad ng mga sports wear gaya ng t-shirt, jogging pants, at pares ng rubber shoes.

Pero alam niyo ba na may nauuso ngayong work-out na imbes na sapatos ang suot ay nakatakong o heels, pak na pak!

Ito ang ibinibida ng The Adlib Dance Studio na pag-aari ni Julian Abuda. Matatagpuan ito sa Quezon City. Isa sa bago nilang pakulo ay ang pageehersisyo sa porma ng pagsasayaw habang nakasuot ng 3 hanggang 4 inches na heels.

Sa isang naging panayam kay Abuda, sinabi niya na mayroon naman silang mga ginagawang instruction at routine bago isabak sa sayawan ang mga kliyente nila.

Una na rito ay ang pagtuturo sa kanila na maglakad nang maayos. Pangalawa, ay pagtuturo ng tamang pagsusuot ng heels. At panghuli, ay ang step-by-step na pagtuturo ng pagsasayaw habang nakasuot na ito.

Isa rin sa primaryang ginagawa nila bago magsimula ang mga session ay ang pagwawarm-up upang hindi mabigla ang katawan lalo na ang mga muscle sa mga gagawing aktibidad.

Tiis-ganda, vebs! Bukod dito, importante rin dito ang makuha ang tamang balanse ng katawan. Isa sa tips ng mga coach sa mga bago ay isipin na parang nagbibisikleta lamang ito. At kapag komportable na ang porma ng paa at katawan ay maaari ng simulan ang indakan.

Maganda rin ang mga benefits na maaaring makuha sa ehersisyong ito gaya ng maayos na posture, matambok na puwet, at pampaganda ng hugis ng legs. Subalit, syempre doble ingat pa rin ang kailangan. (Moises Caleon)

Leave A Reply

Your email address will not be published.