Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Worker na ayaw paturok obligado sa swab test

0 126

Obligado umanong gumastos ng P50,000 hanggang P60,000 kada taon para sa kanilang RT-PCR test ang mga manggagawang patuloy na tatangging magpabakuna kontra COVID-19 kung ayaw nilang samantalahin ang libreng bakuna na ibinibigay ng pamahalaan ngayon.

Samantala, ang mga pasaway din na on-site employees na todo-tanggi pa ring magpaturok ng COVID-19 vaccines ay kailangan namang sumalang sa RT-PCR test tuwing ikalawang linggo sa sarili rin nilang gastos.

Sinabi ni Presidential Adviser Joey Concepcion na bahagi ito ng estratehiya ng gobyerno para mahikayat ang lahat na samantalahin ang libreng bakuna na ipinagkakaloob ng gobyerno.

Aniya, inilabas na kahapon ng Inter-Agency Task Force ang memo ukol dito at ilalabas naman ng labor department ang mga patakarang kailangang sundin ng mga manggagawa sa susunod na mga linggo.

Dahil sa nakakalulang gastos na kailangan nilang balikatin, naniniwala si Concepcion na mapipilitan ang mga pasaway na empleyado na magpabakuna para maging protektado sila laban sa virus.

It’s a very serious effort on the part of the government to now mandate vaccines, especially for on-site workers. People can still not want to take the vaccine but they will have to take an RT-PCR test every 2 weeks which is very expensive at their expense,” ayon dito.

Samantala, hinirit naman ni Concepcion sa gobyerno na payagan ang pribadong sektor na gamiting booster sa kanilang mga empleyado ang nabili nilang bakuna. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.